114423 - San Francisco ES
GRADE V MATALINONG PAMAMAHALA NG TINGIANG TINDAHAN

GRADE V MATALINONG PAMAMAHALA NG TINGIANG TINDAHAN

Kahalagahan Tingiang Tindahan Alam mo ang kahalagahan ng tingiang tindahan? Kung marunong sa pamamahala sa pagtatag ng tingiang tindahan, malaki ang maitutulong nito sa mag-anak dahil sa tubong kikitain. Ito’y nagbibigay ng karagdagang kita at nagsisilbing isang marangal na hanapbuhay. Nagkakaroon ang mag-anak ng pagkakataong maging malapit sa isa’t-isa at makapaglingkod sa iba. Kung magtutulungan ang mag-anak, sila ay magiging modelo sa kanilang komunidad.